Praise God, it's 2021. Kahit wala pa namang masyadong nagbago (naka-masks pa rin tayong lahat!), di ba parang nakahinga tayo nang malalim sa pagpapaalam ng 2020?
Kagaya ng iba, may mga gumuho sa buhay namin dahil sa pandemic. Siempre, kasama dun ang finances. Pero, hindi yun first time. Biktima din ako ng recession nung 2009. Binata pa ako nun. Umuwi at nanatili ako sa Pinas ng apat na buwan. Pero natapos kong bayaran ang una kong studio condo investment. May kaunting kapanatagan dahil mapapaupahan ko yun; o kaya naman, puwede kong ibenta nang mas mataas kung sakaling tumagal pa ang krisis. Nito namang 2020, bumagsak ang negosyo namin. Tipong nagpapatuloy lang para huwag tumigil ang negosyo pero, sa totoo lang, abono pa. Dahil sa lumago na ang mga condo investments naming mag-asawa, parang may kaunting dagdag na kapanatagan. Pwede rin kaming magbenta kung sakaling lumala pa ang sitwasyon, at may rental income naman (kahit bumaba ang rates dahil sa pandemic). Sinasabi kong 'kaunting' kapanatagan dahil alam naming mag-asawa na hind materyal na bagay ang totoong nagbibigay ng seguridad. Pananalig lang sa Panginoon ang matatag na sandigan. Kung kaya naman, nagpapasalamat kami sa Dios na binigyan kami ng kakayahan at disiplina na magtipid para sa condo investments. Salamat na lang din at may SMDC na may mga condo developments sa napaka-gagandang locations at payment schemes na kaya rin ng marami OFWs tulad namin. Totoo talaga ito: disiplina ang kailangan natin. Kaysa 'enjoy pa more', dapat 'maghanda pa more' dahil maraming sorpresa ang buhay. Pero, siempre mag-budget din ng kaunting pang-enjoy. Kailangan nating mga OFWs yun. Kabayan, hindi pa huling magsimula. Kung kailangan mo ng kausap para malinawan ang isip mo tungkol sa condo investment, ok akong makipag-usap sa iyo. Tawag lang sa 0551034589. Andrew ang pangalan ko. God bless ngayong 2021.
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
March 2021
Categories |